Walang malinaw sa mga susunod na plano
Isa lang sigurado, yung sinabi ko handa mo sarili mo
Sa oras na wala na ako, dapat noon pa to
Dapat ako na yung lumayo, mas lalo ako na bibigo
Napapasaya kita subalit napapalungkot mo ako
Masaya ka sakin, masaya ka sa iba
Ayaw mo ko isuko ayaw din kita
Sukuan kung maari sana, kung kaya ko pa tatagan
Kaya lang tao pa rin ako di maitangging di nasasaktan
Alam ko maraming beses mo pa ko kailangan
At maraming pagmamahal pa kita kayang alayan
Kaya lang habang tumatagal hindi na nagiging normal ating kalagayan
Oo bumabalik tayo sa dati nating pagmamahalan
Pero nung pinapapili kita sagot mo sakin ewan
Mahal kita at ayoko na nang madramang tagpo
Maraming laban na tayo na italo at na panalo
Tama na ang tampo kung ako man ang lalayo
Gusto ko na lang ngayon parehas tayo mabuo
AH! basta masaya ako nung tayo ay nag tagpo 🤍
Mahal kita kahit hindi mo pinipili sakin manatili 🤍💙