Lyrics:
Ang mahinhing hangin ngayong gabi, humihipang tahimik
Dala'y mga kahilingan ng habang panahon
Kung makakapiling kita at ito ay hindi pangarap lang,
Maging sya'y handang pagsinungalingan at ilinlang
Liwanag ng langit ay minasdan habang walang humahadlang
Sa ilalim ng buwan ako'y sumayaw, sa isip ko'y ikaw lang
Kung mataimtim ang iyong paghiling
Kulay ay mababago kaya't hayaan lang na magningning
Sa wangis mo na kay ganda, isang munting bulaklak
Naniniwalang minsan pa ay mahahagkan ka't mayayakap
Nakikitang paligid ma'y pabago-bago
Kawalang nadarama sa puso
Sa paraisong nakita sa pangarap, muling mamukadkad
Ang mahinhing hangin ngayong gabi, humihipang tahimik
Dala'y mga kahilingan ng habang panahon