Original Producer: Yasuo
PV:二色鯉 / http://www.nicovideo.jp/watch/sm20040564
Remix: Giga
Translated Lyrics: Chris Dale クリスデイル
Vocals: deirumiboshi デイルミ星 and juunichi 十二ち
------
LYRICS:
Hilig na hilig ko'y laging kumanta
Hindi dahil sa ganito na ako nung nilikha
Tinig ko lang ay sadyang kakatuwa
Lalo na kung alam kong napapaligaya ka
Isa o wala, yan lang aking alam
Sa aking halaga, ikaw lang ang nagparamdam
At mula noon, puso kong ito, ang hanap-hanap
ay ikaw, at sana lagi kang kasama
Basta't nandito lang ako sa iyong tabi
De-kuryente kong puso'y pinakikilig
Tulad din ng hangin na nakakakiliti
Munting puso kong ito ay nayayanig
Ayaw na ayaw ko ang mapag-isa
Malungkot na mundo ang tumutunaw sa akin kaya
Nais ko lang maglagi sa 'yong tabi
Nabubuhay sa init mong ipinadadama
Kung nag-iisa ay walang magagawa
Kaya ang awit mo sa akin ay ikinatha
At mula noon, puso kong ito, ang hanap-hanap
ay ikaw, at sana lagi kang kasama
Basta't nandito lang ako sa iyong tabi
Ang pinto sa mundo ko'y bubukas muli
Tulad din ng bagwis ng anghel na mahinhin
Munting puso ko rin ba'y paliliparin?
Basta't nandito lang ako sa iyong tabi
De-kuryente kong puso'y pinakikilig
Tulad din ng hangin na nakakakiliti
Munting puso kong ito ay nayayanig