Ang Bahay Kubo ay isang tradisyunal na katutubong awiting Pilipino sa Tagalog na sinasabing isinulat ng 1997 Pambansang Alagad ng Sining na si Felipe Padilla de León, na na-ipasalinsalin sa mga sumunod na henerasyon.
Ang awit ay tungkol sa isang Bahay Kubo, isang bahay na gawa sa kawayan na may bubong na mga dahon ng nipa, na napapalibutan ng iba't ibang uri ng gulay, na karaniwang inaawit ng mga batang Pilipino sa paaralan. Kilala ito ng mga Pilipino anuman ang edad.