Original Creator/Producer: ZUN
Original Song: Bad Apple!! (Elly's Stage Theme)
Remixed by Alstroemeria Records feat. nomico
Translated Lyrics: Chris Dale クリスデイル
Vocals: Chris Dale クリスデイル feat. Lila AI
Lyrics:
Sa takbo ng oras na lumilipas, ako'y
Napapagod na, heto at paikot-ikot na 'ko
Sa sarili ay humiwalay na ang puso
Di makita at di ko na malaman
Kung di gagalaw, ang sarili'y maiiwan
Sa kawang ng oras na lalo lamang humahaba
Di ko man malaman ang ikot ng lahat ng 'to
Ako ay ako pa rin, yun lamang
Nangangarap ba? O walang nakikita?
May katuturan pa ba, aking mga salita?
Sa 'king kalungkutan ako ay napapagod na
Mas mabuti na lang ba ang wala nang madama?
Ang aking pagkalito, kung masasambit ko man
Isip ko ay lilipad lang din sa kalangitan
Kung ako ay gagalaw, kung sakali lang naman
Lahat ay magbabalik tungo sa kadiliman
Ang sarili kong ito, bukas ba'y nandito pa?
Dito sa mundong ito, ako ba'y nandito nga?
Ngayon ba'y nalulungkot, o kaya'y nasasaktan?
Ang sarili ay hindi ko na maintindihan
Kahit sa paglalakad, ako'y napapagod na
Ang damdamin ng iba, bakit iisipin pa
Kung ang sarili ko ay mababago ko pa
Kung ako'y magbago ba, magiging busilak na?
Kung ako ay gagalaw, kung ako ay gagalaw
Masisira lang lahat, lahat ay magugunaw
Kung ako'y malulumbay, at kung mamimighati
Puso'y bubusilak ba hanggang sa maging puti?
Anumang tungkol sa'yo, maging sa sarili ko
Kahit sa lahat nang 'to ako ay nalilito
Mata kong namumugto, kung imumulat ko man
Wawasakin lang lahat tungo sa kadiliman